8:07 AM
0
Ang ACT as ONE PH (Anti-COVID19 Task Force) ay itinatag ng mga dating estudyante ng Pamantasan ng Pilipinas upang tumulong sa laban ng bayan kontra sa Covid-19.  Hangad ng ACT as ONE PH na mag alay sa sambayanan ng tulong katulad ng mga gamit na PPEs para sa mga frontliner sa mga ospital, karagdagang mga gamit at gamot na gagamitin para sa mga pasyente ng mga ospital, suporta at pagkain para sa ating mga frontliner sa mga ospital.

Hangad din ng ACT as ONE PH na tumulong sa mga pamilya na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine, para sila ay hindi magutom.  Maglalaan ng tulong ang ACT as ONE PH sa pamamagitan ng mga pagkain at relief goods para sa mga pamilyang apektado ng lockdown.

Nananawagan ang ACT as ONE PH sa mga dating estudyante ng Pamantasan ng Pilipinas, at sa iba na may parehong hangarin na tumulong sa laban na ito.

Para sa Bayan let us ACT as ONE!

https://www.facebook.com/ACTasONEPH/

0 comments:

Post a Comment