Kailangan mo ba ng libreng payo tungkol sa COVID-19?
Handa kaming tumulong sa iyo!
https://m.facebook.com/pghgabay
Pindutin ang "SEND MESSAGE" at magsulat ng maikling tanong tungkol sa COVID. Kung handa kayong makausap/ maka-chat ang volunteer doktor kaagad, pakisagot ang form para sa palistahan at pahintulot (consent).
May maka-chat or makausap kayong mga volunteer doctors galing sa UP at Philippine General Hospital mula 8AM-12 noon, 2PM-10PM araw-araw.
Maari niyo ring basahin ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19 dito sa TeleGabay Facebook page.
Kung may tanong kayo tungkol sa ibang sakit, o gustong magka-appointment sa PGH Out-Patient clinics, maari kayong tumawag sa UP Bayanihan Na! Operations Center (BNOC) Telepono 155-200 mula 7AM hanggang 7PM araw-araw.
0 comments:
Post a Comment