9:44 PM
0

From Representative Kit Belmonte:

MAGANDANG BALITA!

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10154999419364482&id=233682149481

Naisabatas na ang Enhanced Anti-Hospital Deposit Law o RA 10932.

Mga dapat tandaan:

1. Bawal manghingi ng deposito ang mga hospital o clinic bago magbigay ng basic emergency services sa pasyente
2. Kung walang ambulansya ang hospital maaring gamitin ang emergency vehicle ng LGU
3. Ikinokonsiderang emergency case ang panganganak at miscarriage
4. Dapat na ipaskil  ang mga serbisyong kanilang ibinibigay sa entrance ng  mga hospital at clinic
5. Presumption of liability o ang mga hospital o clinic ay dapat managot kung sakaling mamatay o magdulot ng seryosong pinsala sa pasyente ang hindi pag-admit nito sa kanilang hospital o clinic
6. Mas mataas na parusa para sa lalabag ng batas na ito

Maraming salamat kina Akbayan Rep. Tom Villarin (Co-author) at Rep. Angelina Tan (Chairperson, Committee on Health) na tumulong sa atin sa pagsulong ng batas na ito sa Kongreso!

#mulasabayan #parasabayan

NOTE: Ang RA 10932 ay nag-aamyenda sa Batas Pambansa Bilang 702, at lalo pang pinalakas ang provision ng emergency health care sa mga pasyente.

Saklaw ng batas ang LAHAT NG OSPITAL - pampubliko man o pribado.

0 comments:

Post a Comment